Tibay Hero House

Napilitang umupa ng apartment ang ating Republic Tibay Hero na si Delia Balonzo nang masunog ang kanilang bahay ilang taon na ang nakararaan.

Sa tulong ng REPUBLIC® Cement, magkakaroon na si Delia at ang kanyang pamilya ng sarili nilang bahay. Dinisenyo ang magiging dalawang-palapag niyang bahay ng isa sa mga nangunguna at pinakakilalang architectural firm, ang Palafox Architecture.

Ang bagong bahay ni Delia ay pinatibay mula sa loob ng REPUBLIC® Cement with TIBAY ENHANCERS®. Normal lang na may mga butas ang kongkreto. Ang TIBAY ENHANCERS® ay gawa sa mas maliliit na particle na pumupuno sa mga butas. Nagiging mas siksik ang kongkreto kaya’t nababawasan ang posibilidad nitong pasukin ng tubig at mga kemikal na pwedeng magresulta sa pangangalawang at paglobo ng steel bar, cracking at iba pang pagkasira ng kongkreto

Ayon kay Renato Sunico, Presidente ng Lafarge Republic, Inc., ang tibay na binibigyang katauhan ni Delia at ang tibay na dulot ng REPUBLIC® Cement ay maipamamana hanggang sa mga susunod na mga henerasyon. “Ang tibay na ito ang aming pamana. Ito ang pamana ni Delia sa kanyang mga anak at sa lahat ng nakarinig ng kanyang kwento. Ito rin ang pamana namin sa lahat ng pamilyang Pilipinong nagtiwala’t bumuo ng kanilang mga bahay at istruktura gamit ang REPUBLIC® Cement.”

Video